A. POSTER
Ang Calvary Hills ay isang Bulubunduking Lugar na kung saan may labing anim na estasyon ng Krus. Ito rin ang dinadayo ng mga tao tuwing Semana Santa o Mahal na Araw, upang Magdasal o Magpenetensya sa bawat Estasyon ay may Rebulto na Naglalarawan ng Pagpapasakit ng mga Kawal ni Poncio Pilato hanggang sa kanyang Muling Pagkabuhay.
B. PRESENTASYON
1. Ano ang Paksa ng Proyekto?
Ang Paksa ng Proyekto ay ang Calvary Hills.
CALVARY HILLS
2. Ano ang inyong Nalalaman dito?
Napag-alaman namin na ang Calvary Hills ay natatagpuan sa Brgy. Cagsumje, Sta. Margarita, Samar. Ito ay dinadayo ng mga tao galing sa iba't-ibang lugar upang masilayan ang tanawin ng Calvary Hills. Layunin ng mga Pumupunta dito ang mag-alay ng dasal, penetensya at pagpapasalamat sa Panginoong Hesus sa lahat ng biyaya na natanggap ng mga taong deboto sa kanya. May mga tao na naging Panata nila ang pagpunta sa Calvary Hills tuwing Mahal na Araw o Semana Santa upang mag-alay ng Sakripisyo na naglalakad na naka-paa lamang. Ang iba sa kanila ay pasan ang Krus patungo sa pinaka-huling estasyon ng Calvary Hills. Sa ganitonng paraan naiibsan ang mga Kasalanan ng bawat isa at hinahangad na makamit nila ang hinihiling na kapayapaan ng kalooban. Samantala, ang Simbahan ng St. James the Greater Parish ay nagdadaos ng Prosesyon alas-Kwatro ng madaling Araw patungo ng Calvary Hills tuwing Semana Santa na pinamumunuan ng Kora Paroko, Lectors at mga Parishioners.
C. TRAVEL BROSHURE
Lugar na Maaring puntahan upang lalong Makilala ang Paksa.
1. Tatlo o higit pang Lugar na dapat Puntahan.
*Brgy. Cagsumje - Ang Lugar kung saan Makikita ang Calvary Hills.
*St. James the Greater Parish - Ang Simbahan ng Parokya kung saan nasasakop nito ang kinalalgyan ng Calvary Hills.
*Sta. Margarita, Samar - Ang Munisipalidad na may tatlumput anim (35) na Barangay. Kung saan ang Brgy. Cagsumje ay Sakop nito.
2. Ang Kahalagahan ng Lugar .
Ang Calvary Hills isang pook, kung saan ito ay binubuo ay labing-anim na estasyon sa pagpapasakit ng Panginoong Hesus sa Krus. Ito ay Simbolo upang patibayin ang mga pananampalataya, sapagkat ang pook na ito ay siyang nagbibigay ng kahulugan lalo na tuwing Semana Santa o Mahal na Araw. Dinarayo ito ng mga taong galing pa sa iba't-ibang lugar tulad ng Calbayog, Gandara, Catbalogan at Tacloban upang makarating lamang sa pook na ito at makapag-alay ng dasal, kandila at bulaklak sa bawat Estasyon.
3. Ang makikita na Maaaring Gawin?
Ang pwedeng gawin sa bawat estasyon ay maaring Magdasal o Magrosaryo bilang isang pananampalataya sa Poong Maykapal. Maliban dito, ang tanawin ay magandang kunan ng mga litrato at Maari doon Kumain pag-Abot sa pinakatuk-tok dahil mayroon doong maliit na Bahay Kubo na pwedeng Pahinga-an.
Narito ang mga Litrato sa mga Estasyon ng Calvary Hills:

D. BLOG
1. Mga Karanasan habang kayo ay Nangalap ng Impormasyon.
Ang naging karanasan namin ng mga Grade 7 - Abalone sa pagpunta sa Calvary Hills ay halong Tuwa at Galak sapagkat ito ang Unang pagkakataon na halos buong Klase ay dadayo sa nasabing Pook. Nagkataon na may karamdaman si Gng. Ruth E. Montejo ay hindi namin siya nakasama kaya't binigyan na lamang kami ng liham nito upang i-abot kay Gng. Catherine L. Anaviso ang aming Class Adviser na samahan kami sa pag-abot ng Sulat sa Brgy. Kapitan ng Brgy. Cagsumje. Naka-usap ni Camille L. Anaviso, Pangulo sa Filipino ang Brgy. Kapitan sa isang Interview. Nasagot naman ng Kapitan ang lahat ng Katanungan na itinanong sa kanya tungkol sa Calvary Hills. Ipinasama sa amin ang tatlong Brgy. Tanod sa pag-akyat sa Calvary Hills. Sa bawat estasyon na aming dinaanan, kami ay nag-alay ng dasal at kinunan ng mga larawan ang bawat estasyon. Sa dulo ng estasyon, kami ay nag-sikain ng dala naming baon at masaya ang lahat kahit nakaka-pagod maglakad . Maya't-maya kami ay bumaba na nakasakay sa Truck.
2. Mga taong inyong Nakilala?
Nakilala namin ang Brgy. Kapitan ng Cagsumje na si:
- Jorge "Diog" Tuquib
Nakilala din namin ang tatlong Tanod na sumama sa amin sa pag-Akyat sa Calvary Hills na sina:
- Jaime Doinog
- Helegio Casaljay
At ang isa naman ang anak ng Brgy. Kapitan ng Cagsumje na sumama din sa amin sa pag-akyat na si:
- Jomario Tuquib
Nakilala din namin ang isang Parishioner ng Simbahang St. James the Greater Parish na si:
- Fracisca Babon
3. Mga Impormasyon ng inyong Natuklasan?
Natuklasan namin na mas maraming tao ang dumayo ngayong 2013 kaysa sa nakaraanng 2012 Semana Santa. Lubha na kilala ang Calvary Hills sa lugar ng Brgy. Cagsumje, Sta. Margarita.
Napag-alaman din namin na ginawa ang Calvary Hills noonng si Rev. Msgr. Llaveras pa ang syang Kora Paroko ng St. James the Greater Parish sa tulong ng mga tao ng Sta. Margarita.
Sa aming pakikipag-panayam sa Brgy. Kapitan at mga ka-agapay nito na ang nasabing lugar o Pook na talagang tanyag at dinarayo ng mga tao kaya't nagkaroon sila ng Ordinansa upang mapanagalaan ang siguridad ng bawat taong dumarating sa Calvary Hills. Nagtutulungan ang mga tanod ng Brgy. Cagsumje na panatilihing maayos ang pila ng mga Pribado at di-Pribadong Sasakyan. May mga nagtitinnda ng mga Kandila, Pamaypay, Rosaryo at Pagkain sa Loob at Labas ng Calvary Hills. Damang-dama nila anng kapanatagan ng looban at biyaya galing sa Panginoon.
4. Opinyon tungkol sa Paksa.
1. Ano ang iyong Nalalaman dito?
Sagot: Tuwing hulinng Linggo ng Marso, dumadagsa ang mga tao dito sa Calvary Hills para Magdasal at Magpenetensya. At para magpa-Salamat sa Panginoong Hesus.
2. Ang Kahalagahan ng Lugar?
Sagot: Mahalaga ang lugar na ito dahil kung walang Calvary Hills sa lugar ng Sta. Margarita, Samar, hindi natin malalaman kung paano pinagmalupitan si Hesus ng mga Kawal ni Poncio Pilato.
3. Ang Nakikita na Maaaring Gawin doon?
Sagot: Maaaring magdasal o magrosaryo bilang isang pananampalataya sa Poong Maykapal. Pwedeng mag-tirik ng kandila sa bawat estasyon at may kasamang dasal at bulaklak. Maaari ding kumuha ng Magagandang Litrato sa bawat Estasyon.
4. Opinyon sa Paksa.
Sagot: Ito ang mga tagpong naging bahagi ng Semana Santa. Napawi anng pagod at gutom ng bawat isa kung narating niyo ang pinakatok-tok ng bundok dahil doon mo lamang mararamdaman ang kapatagan ng loob at tagumpay sa inyong minimithi na penetensya sa pagpunta sa Calvary Hills. Hindi lingid sa lahat na hangad nng bawat isa nna matupad ang mga kahilingan at katuparan ng mga panalangin sa Maykapal. Alam namin na sa bawat hiling ay sino man ay pinagpapala ng Panginoon basta ang hangarin nito ay wagas at tunay na pananalig sa diyos.
Ang GRADE 7 - Abalone ng CCMSF
(SY. 2013-2014)
MARAMING SALAMAT PO!:)♥
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento